MANILA, Philippines – Binalaan kahapon ni incoming Philippine National Police Chief, (PNP) Chief Supt. Ronald “Bato” dela Rosa ang aniya’y mga ‘balatubang’ pulis na sangkot sa pangongotong sa Metro Manila na ipatatapon sa malayong lugar sa rehiyon ng Mindanao.
ADVERTISEMENT
Sinabi ni dela Rosa na tototohanin niya ang pagpapatapon sa mga bugok na pulis na taga-Metro Manila, palayo sa National Capital Region at ililipat ang mga ito ng destino sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Sinabi ni dela Rosa na kulang ang mga pulis sa Mindanao partikular na para tumulong sa tropa ng militar sa pagsabak sa mga bandidong Abu Sayyaf. Una rito, sinabi ni incoming President Rodrigo Duterte na ipatatapon niya ang mga heneral ng PNP at mga tauhan ng mga ito na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.
Ayon kay Bato, hindi lamang mga sangkot sa ilegal na droga ang kaniyang ipatatapon sa Mindanao kundi maging ang mga sangkot sa pangongotong na karaniwan ng nambibiktima ng motorista.
Gayundin ang mga nangongotong sa mga negosyante na nagmamay-ari ng mga establisyemento sa Metro Manila.
Kaugnay nito, hinikayat naman ng opisyal ang sinumang may reklamo partikular na ang mga netizens na agad isuplong sa PNP ang mga tiwali nilang tauhan.
source: inquirer, elitetrends
SPONSOR
Sinabi ni dela Rosa na tototohanin niya ang pagpapatapon sa mga bugok na pulis na taga-Metro Manila, palayo sa National Capital Region at ililipat ang mga ito ng destino sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Sinabi ni dela Rosa na kulang ang mga pulis sa Mindanao partikular na para tumulong sa tropa ng militar sa pagsabak sa mga bandidong Abu Sayyaf. Una rito, sinabi ni incoming President Rodrigo Duterte na ipatatapon niya ang mga heneral ng PNP at mga tauhan ng mga ito na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.
Share this story!
Visit and follow our website: Daily News PH
Post a Comment